Si Pablo. Ang Tumugis Na Tinugis
Kung iyong babasahin ang Aklat ng Gawa sa Bibliya, si Pablo ay isa sa mga Hudyo at isa sa mataas na Pharisees ng panahon na yon na kumikilala sa iisang Diyos at siya naman ang nararapat. Pero sa makikita mo sa unang kwento ng kanyang buhay ay isa siya sa tumutugis sa kristyano ng panahon na yon at nais niyang patahimikin ang maraming tao na sumasamba sa pangalan ng Panginoon Hesu Kristo noon.
Ginagawa niya ang pag uusig sa pamamagitan ng pananakit, pagpapakulong o maski pagkuha ng buhay ng tao tulad ng pagpapaapruba niya ng kamatayan ni St. Stephen sa (Acts 8:1)
Mabalik tayo sa iisang Diyos. Tama ang mga hudyo ng panahon ni Pablo at maski mga hudyo ngayon na iisa talaga ang Diyos. Pero ang mga tinutugis ni Pablo ay mga kapwa niya hudyo at mga griyego (wala sa hanay ng hudyo) na naging kristyano na dahil kay Kristo. Tinutugis ni Pablo ang mga ito dahil ang pakiwari niya ay sumasamba ang mga ito sa Panginoon Hesus na hindi naman daw Diyos. Eh ang batas sa hudyo ay wag ka sasamba kundi sa Diyos lamang. At yun ang pinanainiwalaan ni Pablo. Mabigat ang parusa noon kung sasamba ka pa sa iba. So patuloy na ginagawa ito ni Pablo sa mga kristyano nuon hanggang isang araw ay
Aklat ng Gawa 9: ( Si Saul magiging Pablo name niya sa mga susunod na talata ng Biblya)
1 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,
2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.
3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:
4 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:
6 Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.
At simula noon ay tagasunod na siya ni HesuKristo. Ngayon dahil si Pablo ay naging tagasunod na ni Hesus, sa darating na araw siya naman ang uusigin. The hunter became the hunted of his former cohorts. (dating kasama). Sumamba ba si Pablo sa iba ng Diyos? Hindi. Kasi nakilala na niya na si Hesus ang iisang Diyos na nagkatawan tao na inihula ng panahon ni Isaias
Propesiya ni Propetang Isaiah sa Lumang Tipan. Wala pa si Hesus nito.
Isaiah 9:6- 6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Oh tinawag siyang Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama. Ilan ba ang Diyos at Ama? Di ba iisa lang.
Hindi direktang sinabi ni Hesus na siya ay Diyos pagkat hindi pa napapanahon. Ang mga tao na ang puso ay tunay at para sa Diyos ay duon lamang niya isiniwalat. Ang tao ay may mata at pandinig pero pang physical lamang ang abot nito. Hingin mo sa Diyos ng taimtim na mabuksan ang espirituwal mong mata at tainga sa Salita niya at mahuhulog ang tumatalukbong sa mga ito.
Ngayon kung nais mong makamtan ang tunay na kaligtasan pagaralan mo ang aklat ng Gawa. Alamin mo si Hesus sa Aklat ni Juan atbp.
1 Timothy 1:15 ...Christ Jesus came into the world to save sinners...
Roma 3:10... walang matuwid ni isa...
at ang kahihinatnan ng makasalanan mamamatay tao hanggang sa level ng sinungaling ay impyerno.
Ngunit Si Hesus ay nagdusa para sa ating kasalanan para wag tayo mabulid sa apoy ng impyerno.
Paniwalaan lang natin si Hesus. Siya ang pinto na dapat natin pasukan at hindi sa pamamagitan ng isang gusali na pinaskilan lang ng pangalan niya. Espiritwal ang usapan dito.
Sabi niya siya ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay
Kung tayo ay magpapakumbaba at taos pusong hihingi ng patawad sa ating mga kasalanan at papasukin siya sa ating buhay ay bubuksan niya ang ating isipan sa katotohanan ng kanyang Salita. Bibigyan niya tayo ng tunay na Kagalakan at kapayapaan despite sa nangyayaring kapighatian dito sa mundong ibabaw. kagalakan at kapayapaan na hindi makikita sa mundong kinagisnan.
Magpasakop lang tayo sa kanyang Espiritu. Hindi natin makakaya magbago kung wala ang kapuspusan ng Espiritu Santo galing sa Panginoon Hesus. Binigyan Niya ng karapatan ang bawat isa na sumalo sa hapag kainan ng kanyang Salita.
Pakanin mo ang sarili mo ng salita na nagbibigay sigla sa esprituwal mong katawan.
Matthew 4:4 Jesus answered, "It is written: 'Man does not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God.'"
No comments:
Post a Comment